Medical furlough ni Quiboloy pinalawig ng Korte
MANILA, Philippines — Pinahintulutan ng Pasig Regional Trial Court ang pagpapalawig sa medical furlough ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy hanggang Nobyembre 27, 2024.
Ang medical furlough ay bunsod ng irregular na heartbeat at dental issues na nararamdaman ni Quiboloy.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, may mga karagdagang medical tests pa na dapat isagawa sa Pastor. Target nilang matapos ang lahat ng medical test at procedure bago o hanggang Nobyembre 27.
Bago ang medical furlough, humingi rin si Quiboloy ng hospital arrest subalit ibinasura ng Pasig City court ang kanyang kahilingan noong Oktubre.
Si Quiboloy ay nahaharap sa trafficking case sa nasabing korte bukod pa ang hiwalay na kaso ng sexual abuse at child abuse sa Quezon City court.
Bukod pa rito ang mga kasong sexual trafficking sa Estados Unidos.
- Latest