UST tinapos agad ng UP
MANILA, Philippines — Uminit ang opensa ni Harold Alarcon sa second half upang tulungan ang University of the Philippines na ilista ang 78-69 panalo kontra talsik ng University of Sto. Tomas sa semifinals ng UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kahapon.
Nirehistro ni Alarcon ang 16 points para sa UP, 14 puntos nito ay sa second half niya itinarak upang isampa ang koponan sa best-of-thee finals.
Sinandalan ng UP si Alarcon upang masabayan nila ang tikas at bangis ng Growling Tigers na No.3 seed sa team standings pagkatapos ng 18-game elimination round.
Tangan ng Fighting Maroons ang twice-to-beat advantage sa semis kaya isang panalo lang ang kailangan nila para umabante sa championship round.
Malaking tulong sa Fighting Maroons ang kanilang experience sa dikdikang labanan kaya naman muli silang lalaro sa finals sa ika-apat na sunod na pagkakataon.
Nakitaan ang Growling Tigers ng lakas sa unang dalawang periods, ng makalamang ng dalawang puntos, 35-33, sa halftime.
Subalit hindi nagpatinag ang Fighting Maroons, naging agresibo sa third quarter para maagaw ang lamang, 57-50, papasok ng fourth quarter.
Nagpatuloy ang mainit na laro ng UP sa payoff period kaya naman nanatili silang nasa unahan, 62-56 may 7:06 pa sa orasan.
Naging madali ang panalo ng Fighting Maroons, sinabayan na lamang nila ang España-based squad sa opensa sa natitirang oras.
- Latest