UP vs La Salle sa UAAP finale
MANILA, Philippines — Umusad sa Finals ang last year’s runner-up University of the Philippines matapos gilitan ang University of Sto. Tomas, 78-69 sa semifinals ng UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kahapon.
Lumaro sa semis ang Fighting Maroons na bitbit ang twice-to-beat advantage kaya isang panalo lang ang kailangan nila para umabante sa championship round.
Humugot ng lakas ang UP kay Harold Alarcon upang masabayan nila ang tikas at bangis ng Growling Tigers na No.3 seed sa team standings pagkatapos ng 18-game elimination round.
Nirehistro ni Alarcon ang 16 points para sa UP, 14 puntos ay sa second half niya itinarak.
Ginamit din ng Fighting Maroons ang kanilang experience sa dikdikang labanan kaya naman muli silang lalaro sa finals sa ika-apat na sunod na taon.
Ipinaramdam ng Growling Tigers ang kanilang lakas sa unang dalawang periods ng makalamang ng dalawang puntos, 35-33 sa halftime.
Pero hindi nagpatinag ang Fighting Maroons, naging agresibo ito sa third quarter para maagaw ang lamang, 57-50, papasok ng fourth quarter.
Nagpatuloy ang mainit na laro ng UP sa payoff period kaya naman nanatili silang nasa unahan, 62-56 may 7:06 pa sa orasan.
Samantala, swak din ang defending champions De La Salle University sa finals matapos kalusin ang Adamson University, 70-55, sa second game ng semifinals match.
Pinamunuan ni reigning bact-to-back Most Valuable Player (MVP) Kevin Quiambao ang atake para sa La Salle upang isaayos ang finals date nila kontra UP.
- Latest