Puwersa maaring gamitin pa rin kontra sa mga pasaway na mangingisdang Taiwanese
MANILA, Philippines – Nilinaw ng isang opisyal ng gobyerno ngayong Lunes na maaari pa rin gumamit ng puwersa ang mga lokal na awtoridad kontra sa mga mangingisdang Taiwanese na nagpupumilit na pumasok sa katubigan ng Pilipinas.
Sinabi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Amadeo Perez na kahit nagkasundo ang Taiwan at Pilipinas na huwag gumamit ng puwersa upang maresolba ang problema sa pangingisda, hindi pa rin titigil ang mga awtoridad na arestuhin ang mga mangingisdang Taiwanese na papasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Dagdag ni Perez na magiging maayos ang pag-aresto sa mga lalabag sa batas maliban na lamang kung maglalaban ang mga ito.
"That (situation) is something extraordinary... If they use force against our law enforcement agencies, then the next alternative is to use force also. But as much as possible, we agreed to forego using force," pahayag ni Perez sa isang panayam sa telebisyon kaninang umaga.
Sinabi pa ng pinuno ng MECO na ipapaalam ng bawat bansa sa isa’t isa kung mayroong mga nahuling nanghihimasok sa bawat teritoryo.
Nitong Sabado ay inihayag ng Foreign Ministry ng Taiwan na nagkasundo sila ng Pilipinas na huwag gumamit ng puwersa laban sa mga nanghihimasok sa bawat teritoryo pagkatapos ng “first preparatory meeting on fishery cooperation†na ginawa sa Maynila noong Biyernes.
Nagkasundo ang dalawang bansa upang maiwasan na maulit ang insidente noong Mayo 9 kung saan pinagbabaril ng Philippine Coast Guard ang Taiwanese fishing vessel na ikinamatay ng 65-anyos na mangingisdang si Hugh Shih-cheng.
“The two sides will reach concrete results in undertaking fishing disputes to avoid the use of force and violence in the future and to prevent unfortunate incidents from happening again,†sabi sa pahayag.
Sinabi ni Perez na ang kasunduan ay hindi pa pormal.
"We will be tackling very sensitive issues that's why it will take time before we come out with a formal agreement," ani ng pinuno ng MECO.
- Latest
- Trending