Chiz muling naghamon ng pirmahan ng bank secrecy waiver
MANILA, Philippines – Muling iginiit ni Sen. Francis “Chiz†Escudero ngayong Biyernes ang kanyang hamon sa mga opisyal ng gobyerno at sa mga tumatakbo sa halalan ngayong taon na pumirma ng bank secrecy waivers.
Sinabi ni Escudero na ang bank secrecy waivers ay kailangang ihayin kasama ng Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
“In the interest of transparency, candidates in the coming elections without exception should make public their financial records going by the dictum that working in government is a privilege and not a right,†pahayag ni Escudero.
Nanawagan ang senador kasunod ang mga ulat ng umano'y offshore assets ng ilang mga pulitiko, kabilang ang mga kapwa senatoriable na si San Juan City Rep. JV Ejercito at Sen. Manuel Villar.
“While owning assets in offshore tax havens is not against the law, what is illegal is if these assets are not declared under the yearly SALN of public officials,†dagdag ni Escudero.
Sinabi pa ng senador na kasama ang mga miyembro Kongreso sa kanyang hamon sa pagpirma ng bank secrecy waiver.
Nanawagan din ang senador sa mga miyembro ng Kongreso na bumuo ng batas upang maisulong ang transparency sa pagpirma ng mga opisyal ng gobyerno ng mga bank secrecy waiver.
Noong 2012 inihayin ni Escudero ang Senate bill 107 o Submission of Waiver of Bank Deposits na nag-ugat dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa umano’y maling paggamit ng pondo.
- Latest
- Trending