MANILA, Philippines – Tatlumpu’t-anim na tulak ng droga ang inaresto matapos ang raid sa isang drug den sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Sa pinagsamang puwersa ng military-police rain, na pinangunahan ni Senior Supt. Felimon Ruiz ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), nadakip ang mga suspek at nasabat pa ang P300,000 halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu, 9 millimeter Ingram machine pistol at mga drug paraphernalia.
Sinabi ni Ruiz na may dala silang search warrant mula sa lokal na korte sa tulong na rin ng mga ayaw na magpakilalang impormante, ilan dito ay mga kapitbahay ng mga nagpapatakbo ng drug den.
Kabilang sa mga inaresto ng PDEA-ARMM ang kilabot na tulak na droga na si Joe Abbas, Basco Dugas at Neng Dipatuan na itinuturong nasa likod ng lingguhang pagpapakalat ng shabu sa Cotabato City at mga karatig na bayan.